The 1st Prenup Shoot review: Mahogany place tagaytay

Sobrang late na eto review na eto pero ok lang kasi sulit na sulit ang pagod.
July kami nag prenup pictorial or engagement shoot… Lahat ng plano nawala kasi bigla naiba location hehehe nag decide si h2b day before the photoshoot to change sa tagaytay. Libre kasi yun lugar sa kung saan kami papakasal kaya sayang naman para masulit 🙂

Anyways eto mga review sa supplier namin sa engagement shoot.

PRE NUP GOWN- Len and Bernie 4.75/5
Peso Power: Php2,500.00 (sa mall mahal na yan kasi big size ako hehehe)

Pros: Ganda ng tahi, sobrang bilis din niya (june 16 ako nag punta, june 28 sabi ready na) although pag dating ko asa shop pa, they offered to meet with me the following day miski puntahan pa nila kao…but since babalik naman talaga ako sabi ko huwag na…sobra maasikaso sina ate len, asawa nya ang nananhi. Yun lining di siya nakikita. Makapal din yun tela na gamit.
Nun kinuha ko maluwag pero na adjust agad the same date. 🙂

Cons: na late lang sila nang 1 day, kasi di nga ako nag text pumunta agad ako… so next time text muna baka mamaya kasi asa shop pa ito hehehe

Ang bilis ng pics nang nice print photography.
I got agad our raw pics! 🙂

Quick Timeline:
6:30am HMUA to 8:30 am we were done
8am pick up driver team ng niceprint in pasig then straight for breakfast sila sa SLEX Petron
9:30 am we met with them and grabbed some supplies from the grocer’
10:30 we arrived at Mahogany Place Tagayatay
11:30 had lunch (mcdo) delivered
12noon started the shoot indoors super casual
2pm quick break
2:30pm next set formal balcony and ballroom
3:30pm short break
4:05pm next set casual again outdoor shoot
5:00pm it rained… and ayaw ni h2b mabasa so we had to cut it short
6:00pm dinner
8:30 back in Manila

MEL CRUZ- 4.9/5
we got to our HMUA’s House Ms. Mel Cruz in Pasig, we got there and she MADE us eat breakfast. Ang aga namin dumating but she insisted NOT to bring food at pag luluto daw kami (super sweet ng huma namin hehehe), maling, bread, oatmeal, and egg sandwiches. I told her I was on a diet but she said na eat first… ayaw niya himatayin ako habang nag shoot… good thing i followed her kasi nakaka pagod pala mag posing

why not perfect? I told her ayaw ko makita yun matambok na batok ko hehehehe but she insisted that she want the “lugay look” to be reserved for the wedding. Di naman kasalanan ni ms mel na matambok batok ko hehehe saka madami naman nagustuhan ng hair ko so baka ako lang naman talaga… but her make up is really really reaaaallly good! Traditional pa gamit niya and hindi man lang humulas. All the shots are raw and you can see naging flawless ako sa mga shots miski tight close up shots! yipeee…

oh yeah nag add kami ng Php1500 kasi OOT siya, saka whole day kami… Sulit na sulit… yun free prenup na kasama siya is supposedly for metro manila shoots lang kaya we understand naman… sulit naman eh

NICE PRINT PHOTOGRAPHY Team Alec and Jojo 4.75/5

Mabait, maasikaso… yun lightman niya ang nag set up nang mga bote bote sa puno.
Lahat ng props namin ay tira tira sa engagement party and wala ako time na mag gawa pa ng kahit ano props so i just brought papers, bottles etc… thinking that kaya ko mag DIY on the spot… but no… ayaw na nila ako pahawakin. basta labas ko na lang daw lahat ng props ko at sila na bahala… hehehe yes! tipid ako sa stylist!
Sobrang cowboy sila at di sila mahirap kausap

Why the minus .25??? kasi i want establishing shots… gusto ko shots nang paligid… gusto ko yun shots na tumatakbo kami… yun shots na kunyari na dawn zulueta ako nan fake lang hehehe… (aakyat ako sa upuan tapos yun angle from mid point pataas para di halata na may daya hehehe… but sabi ni photog.. mamaya na… or di maganda yun shot na yun… sooo yes, medyo hurt ako… pero after seeing the pics, true naman pala, tama si kuya kasi inun nakita ko yun shots ko na pinilit ko pagawa sa kanya… medyo “off” nga at di bagay… hehehe

Also minus kasi hirap contact si nice print. Sa email naman pag sumagot isa line lang ang reply… hindi personalized yun service nila di tulad ng iba na nababasa ko sa w@w na nag meet pa sila ni photog to discuss stuff… but bumawi naman si ate rhecy…. tumawag siya to tell me the team (the day before) and she also gave me feedback agad a day after… she also told me team aleck and rupert ang photog ko sa wedding. 😀

TERE (Personal Assistant) c/o Events Management Services (Ms Ana)- 5/5

Sobra maasikaso.. Siya yun nag tulong sa akin sa gown, sa pag bihis, pag pili nang ensemble, pag blow ng balloons, pag gawa ng iba pang props… nanguha pa siya sa garden ng flowers pag di nakatingin si guard para pang dagdag sa mga bote bote… hahaha… all around si ate tere! sulit talaga araw nya… looking forward ako sa wedding and praying kasama siya. Sana siya ulit PA ko sa wedding 🙂 (oh yeah super on time siya nauna pa sa amin sa meeting place)

MAHOGANY PLACE TAGAYTAY-4.5/5

PROS- Libre with the package kasi doon yun event namin wedding and ceremony, malaki lugar and we have it all to ourselves (although dami nag occular din) Original plan was dito na lang sa Taguig (c6, sa royal palms condo at local carwash yun place…) kaso na realize namin na Sunday at sigurado madami tao… we need a secluded space.
maganda and marami angles that we can take pics.

Free bridal suite (supposedly aircon room) for day use —kaso nakalimutan ni ms lyn iwan yun rmeote control nang aircon… kaya giant fan na lang ang pinagamit sa amin hehehe

CONS- giant lamok (di naman ako nakagat), yun lightman na sting nang bee…, yun caretaker pinatayan kami ng aircon (binuksan ulit kasi sinabihan ko na wala na nga aircon yun kwarto na pinahiram baka pwede buksan na lang yun sa lobby at dun kami tatambay… tagal bago kami nag kaintindihan kasi hehehe) kaya kami late nakapag start dahil sa AC issue… init kasi and very humid… essenitial ang AC nun araw na yun. Buti n lng na contact si miss lyn and very conaiderate

Here is the see link for the pics
https://plus.google.com/photos/115069748363172796375/albums/6035956014994640801?authkey=CPGvgr6pr9fE6QE

yun lang hehehe… tapos na part 1 ng engagement shoot namin… yey!

IMG_0966.JPG

IMG_0947.JPG

IMG_1025.JPG

IMG_0972.JPG

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s